Day-off ko ngayon.  Kakarating ko lang dito sa boarding house galing trabaho, alam nyo na inumaga na naman sa pagkayod.  Di po ako bakal boy kundi waiter...  hehehe.  Overtime ako kanina kasi linggo maraming naghahappy happy kahit may pasok ngayon kasi nga mother's day.

   Buti pa sila may nanay... Ako ni hindi ko nga nasilayan man lang ang magulang ko ang mga nakilala ko lang ay mga kapwa ko ring inabando at mga madre na nag-aruga sa amin.  Yung iba kong kasamahan sa bahay-ampunan nakaalis na dun na di naglalayas tulad ko, yung iba nakatagpo ng bagong ina at yung iba naman na binalikan ng sarili nilang ina... Sana naman ako rin.

  Oo nga pala, nasabi ko na ba na nandito na ang GF ko (kuno, kasi un ang alam nya kaso di ko un alam. hehehe).  Enrollment daw nina Mitch kaya nandito na sya.  Ang dami nyang pasalubong para sa akin galing Bacolod kaso ang ginawa ko pinamigay ko sa mga boardmate namin... hehe.  Pero ang pinakanakakasuklam na pasalubong nya sa akin ay tatay na daw ako, buntis daw sya two months.  Kahit lasing ako at di Engineer alam kong icompute na di sa akin yung batang yan maganda sana kong akin kaso mga one month palang nung may nangyari sa amin.  Buti na lang mabait si Lord sa akin, may pinadalang anghel sa katauhan ni Rachel (un yung room mate ni Mitch).  Sinabi nya sa akin na di na daw dinatnan si Mitch nun bago pa may mangyari sa amin nadali na daw sya ng isang fratmen (Tau Gamma ata), sya malamang ang ama.  Ah puta kinumpronta ko sya buti na lang umamin sa akin kaso sabi nya ako daw ang mahal nya.  Eh puta narinig ko sa yan sa radio, napanood ko sa yan sa sine, tv at nabasa ko na yan... gasgas na yang dialogue na yan.  Pero naging mahinahon pa rin ako sa kanya... sabi ko "Sabihin mo sa magiging ama nyan na magpakalalaki sya", "Pero pag di ka pinanagutan sabihin mo na sa parents mo at sorry ka na lang ikaw ang may gawa nyan sa sarili mo."

Tama lang ba ang ginawa ko?

Happy Mother's Day sa lahat ng Ina.

Currently feeling: thankful
Posted by taken_identity on May 9, 2005 at 07:24 AM in Angst | 6 comments
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

gaga (guest)

Comment posted on May 9th, 2005 at 11:00 PM
saludo ako sayo convent boy!!!

sa palagay ko, kinakarma yang Mitch na yan...
Comment posted on May 10th, 2005 at 07:41 AM
TY po. It always go back to the golden rule.

Colleen (guest)

Comment posted on May 9th, 2005 at 02:47 PM
Medyo stupid naman si Mitch.
Comment posted on May 10th, 2005 at 07:40 AM
Stupid talaga siguro nga ang sobrang talino at ganda minsan bobo pagdating sa pag-ibig.
Comment posted on May 9th, 2005 at 01:47 PM
di nga di naman ako uto-uto kaya pala tinukso ako may lihim na balak. Kupal sya kahit galing ako sa loob(ng kumbento) alam ko naman ang kalakaran sa labas.
Comment posted on May 9th, 2005 at 11:39 AM
di mo dapat panagutan ang di mo naman ginawa. period. =)