Eto ang unang pagsusulat ko sa sarili kong wika, ang Filipino ("Proud to be Pinoy" ika nga, pero napansin nyo ba na banyaga rin ang katagang ginamit sa slogan, how ironic hehehe - pano ka magiging proud na pinoy kung english ang ginamit, pinoy lang ata ang filipinong wika dun). Pero naisip ko ang pamagat na gagamitin ko sa bawat tala kong itatala dito ay sa wikang banyaga --- sa English pero Filipino ang laman ng tala.
Kagigising ko lang kanina, wala akong pasok ngayong gabi, dayoff ko (mali po di ako sa call center nagtratrabaho kundi sa patay... sa patay sindi ang ilaw). Yun bang lugar na puno ng alak na may mga lamesa at may poste sa gitna (hindi sa Meralco kundi pangbombero o tubero), tama may tubo nga sa gitna. May flagpole na hindi naman ginagamit na pang-flag ceremony kundi ibang seremonyas ang nagaganap sa tubong iyon. Kung siguro ikaw nasa lugar ko (isang kakalabas sa kumbento), tapos mapapadpad sa lugar ng mga puta sa lipunan (di mo rin sila masisi... ika nga ni Ian nung minsang lumabas kami sampu ng mga kabarkada nya sa Batangas - "pera-pera lang yan!!!"). Siguro nga may mas nakakaangat sa lipunan na lalong umaangat pero yung nasa lusak lalong mababaon sa putik. Ganyan ang Pinas nang-uuri ng taong aasenso.
Kulang ang sinabi ni Villar na sipag at tiyaga lang ang kailangan, kailangan ring bigyan ng opurtunidad ang tao, eh kung GRO ka nga masipag trumabaho at matiyagang nagtetable ng customer kaso di ka pa rin umaasenso... PUTA KA PA RIN. Kaya ako kung may magpapaaral lang sa akin para naman magkatotoo ang mga pangarap ko sa buhay at makaahon sa pagiging waiter susunggaban ko na, sana nga meron.
Nakarating na ba kayo sa Alabang sa Metropolis(yung dating sementeryo na ginawang Mall ni Villar). Kupal rin tong si Villar may anti-piracy at anti-cellphone fake na law... Pinapapwesto pa rin nya yung mga muslim na magtinda ng mga fake cellphone at fake CD,VCD, at and pamosong (Dibidi, Dibidi, Dibidi mam, sir sa accent ng mga muslim o bombay... hehehe) sa Mall nya... babagsak pa rin tayo sa kasabihang "pera-pera lang yan!!!". Ang mga politikko nga naman dito sa Pilipinas sabagay kaya lang naman sya yumaman hindi dahil sa SIPAG AT TIYAGA sa pagtratrabaho kundi sa diskarte... diskarte ng papatulang babae siyempre yung mayaman na si Cynthia ng Las Piñas kahit di ganun kagandahan.
CAMPAIGN SLOGAN: STOP PIRACY, STOP AIDS.
"Try not. Do or do not. There is no try." -Master Yoda-